Mga Kasangkapan at Kagamitan sa Paghahalaman

Mga Kasangkapan at Kagamitan sa Paghahalaman:

1. dulos - panghukay at pandurog ng lupa
             - pambungkal ng lupa sa palibot ng tanim
             - panlipat ng punla

2. asarol - panghukay at pandurog sa malmbot na lupa

3. piko - panghukay at pandurog sa matigas na lupa
            - paggawa ng kanal

4. pala - panghukay at panghakot ng lupa
           - panghalo ng pataba sa lupa

5. pisi at tulos - pangmarka upang maging tuwid at tama ang sukat

6. kalaykay - pampantay, pampino ng lupa, pantipon ng dumi

7. rigadera - pandilig ng halaman


Mga Kasangkapang Panghalili:

1. kapirasong  yero, kahoy o kawayan - panghalili sa dulos

2. matulis na kahoy o kawayan - panghalili sa asarol o piko

3. tabo, timba, bao, plastik na galon - panghalili sa pandilig o rigadera

4. kahoy o kawayan na ginawang parang kalaykay - panghalili sa kalaykay

5. plastic straw, kahoy o kawayan - panghalili sa pisi at tulos

Comments

Post a Comment

Popular Posts