Bio-Intensive Gardening (BIG)



Ang bio-intensive gardening (BIG) ay isang uri ng makaagham na gawaing pang-agrikultura. Binibigyang diin ang paggamit ng compost. Ang compost ay tumutukoy sa mga tuyong dahon, damo, dayami, mga gulay, balat ng saging, at basang dyaryo na pinabubulok at nakaayos sa isang bunton o hukay kasama ang activator na nagbibigay init at unido.Ang activator ay maaring dumi ng hayop, o kaya ay fish meal. Ang fish meal ay maaring pinagsamang dinikdik na dilis at darak o kaya'y pinagsamang dahon ng ipil, malunggay at darak.



Paghahanda ng Kamang Taniman ng BIG

Sa bio-intensive gardening, ang paghuhukay nang doble ang lalim (double digging method) ay mahalaga. Nagiging mabuhaghag ang lupa at masisipsip nito ang tubig upang mapanatiling basa ang lupa. Madali ring bumaon ang ugat ng halaman at may sapat na lagusan ang hangin sa lupa sa ganitong paraan.


Wastong Pangangasiwa sa BIG

1. Dalas ng pagdidilig

2. Paggamit ng mulch


Ano ang mulching? Ito ay paraan ng paggamit ng mga dahon ng puno, halaman, damo, dayami o balat ng itlog bilang panakip sa lupa sa paligid ng mga halaman.


MAHALAGANG TANDAAN:

* Pagpalit-palitin ang mga tanim sa kamang taniman sa susunod na taniman o cropping cycle.

* Iwasan ang pagtatanim ng mga halamang hindi magkatugma.

* Kailangang may tanim sa buong taon ang lahat ng lugar sa kamang taniman.





Comments

  1. meron po bang 3 uri ng halamang gulay na angkop sa bio intensive gardening??

    ReplyDelete
  2. Ass po namin ito kaya salamat po sa mga impormasyon

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts