Mga Paraan ng Pag-iimbak
MGA PARAAN NG PAG-IIMBAK: 1. Pagyeyelo at Pagpapalamig - paglalagay sa palamigan o refrigerator at freezer ang mga sariwang karne ng baka, baboy, manok at isda. 2. Pagpapatuyo - pinakaunang paraan ng pag-iimbak na ginagawa sa isda, bungang-butil mga prutas at karne. Ibinibilad sa araw ang mga pagkaing nakaayos sa bilao o trey upang mabawasn ang umido ng pagkain at maiwasm ang pagkasira nito. 3. Paglalagay ng Preserbatiba - ang asin, asukal, suka, salitre at mga pampalasa ay malaki ang naitutulong upang tumagal ang buhay ng mga pagkain. 4. Pagpapausok - pansumandaling nagpapatagal sa buhay at nagbibigay ng magandang anyo, kakaibang lasa at matingkad na kulay sa mga pagkaing pinapausok tulad ng hamon, tinapa at tapa. 5. Pagpapakulo - pagpapakulo sa mga pagkaing niluto habang nakalagay sa mga bote. 6. Pagsasalata - ginagamit ng malalaking pabrika upang manatiling mataas ang uri ng kanilang mga produkto. 7. Pagmamatamis - pag-iimbak gamit ang pinakulong tubig ...