Iba't Ibang Uri ng Tela



IBA’T IBANG URI NG TELA: 

            A. KOTON
-  Pinakamahusay gamitin sa ating klima sapagkat mabuting sumipsip ng pawis at maginhawang isuot. Kabilang dito ang Katsa, Voile, Oxford, Calico, Crepe at Percale.

B. LINEN
-  Kinikilalang pinakalumang uri ng tela. Ginagamitan ng hibla mula sa halamang Flax.

C. LANA O WOOL
-  Itoay makapal, magaspang, at mainit sa katawan kaya't mahusay gawing jacket, kumot at sweater. Mula sa balahibo ng tupa.

D. SEDA
-  Ito ay makintab,manipis, pino at mamahalin. ANg seda o silk na tela ay galing sa bahay o cocoon ng isang uri ng uod.
 
E.  SINTETIKO
-  Ito ay telang likha ng mga tao, yari sa kemikal. Hinahabi sa iba't ibang uri ng tela tulad ng Rayon, Nylon, Dacron at Banlon.

Comments

Post a Comment

Popular Posts